Ang Lawang Bulusan ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Bulkang Bulusan, isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Sorsogon, rehiyong Bikol.


Ang lawa ang nagsisilbing pusod ng Bulusan Volcano National Park, na siyang may lawak na 3672 ektarya. May elebasyon itong 360 m at lawak na 27.6 ektarya.


Ang lawa ay pinalilibutan ng kagubatan at maaaring isa sa mga bunganga ng bulkan. Matatagpuan sa ekosistema ng lawa ang ilang nanganganib na uri ng ibon, reptil, at ampibyan. Namamayani rin ang mga higanteng pako, lawan, at mulawin.


Pinagkukuhanan ang lawa ng maiinom na tubig at irigasyon para sa mga taniman ng mga katabing pamayanan. Karatig din nito ang ilang maiinit na bukal na umuugat sa bulkan.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: