Philippine General Hospital
Nang pasinayaan ang PGH noong 1910, mayroon itong 330 kama para sa mga pasyente. Mula sa araw ng pagkakatatag nitó, naging tuloy-tuloy ang pagpapaunlad sa mga pasilidad ng ospital at pinalawak pa ang mga gusali. Nagdagdag ang pamunuan nitó ng dalawang pabelyon (1922), bagong gusaling imbakan (1925), mga silid-tistisan at isang bulwagan (1926), bagong pabelyon sa mga maysakit na tipus (1928), at Cancer Institute (1938). Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mayroong kabuuang 850 kama para sa mga pasyente.
Pinalakas ang gawaing pananaliksik at pagsasanay sa PGH noong 1947 nang ginawa itong ospital na sanayan ng mga mag-aaral sa medisina at narsing ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, sinasanay ng PGH ang halos 160 mag-aaral ng medisina sa UP at mahigit 80 interna taón-taón. Labinsiyam ang klinikal na departamento ng ospital na may kanikaniyang espesyalisasyon.
Pinagmulan: NCCA Official via Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Philippine General Hospital "