Pepe and Pilar
On Pamumuhay
Aklat sa panimulang pagbása ang Pepe and Pilar na ginamit ng mga mag-aaral sa unang baitang noong dekada 40 at 50.
Nakasulat ito sa Ingles ngunit Filipino ang awtor, di tulad ng mga naunang aklat sa Filipinas na sinulat ng mga Amerikano at nagpapakita ng buhay-Amerikano.
Ang aklat ay tungkol sa mga batàng sina Pepe at Pilar na kapuwa nása unang baitang ng pag-aaral, sa kanilang ásong si Bantay, at sa pang-araw-araw na búhay ng karaniwang Filipino nang mga panahong iyon. Nagsisimula ang aklat sa “I am Pepe. I am Pilar.” Isang buong henerasyon ng mga Filipino ang nag-aral ng panimulang pagbása gamit ang aklat na ito.
Pinagmulan: NCCA Official via Flickr
No Comment to " Pepe and Pilar "