Mapandan
Mapandan
Ang pangalang Mapandan ay nagmula sa halamang tinatawag na “pandan” na tumutubo sa maburol na bahagi ng lugar kung saan ito rin ang orihinal na lokasyon nito. Ang halaman ay inilalagay sa kanin upang maging magkaroon ito ng magandang amoy at kadalasang ginagamit din sa paggawa ng banig.
Bilang dating bahagi ng Mangaldan, ang bayan ay tinatawag din “balon baley” na nangangahulugang bagong bayan. Naging pueblo ito noong Disyembre 28, 1887 sa bisa ng Direction General No. 39 Administration Civil No. 169-C na nilagdaan ni Gobernador Heneral Emilio Bravo. Binubuo ang bayan ng mga baryo ng Payapay, Baloling, Apaya, at Amanoaoac na nasa timog na bahagi ng Mangaldan. Ang ilan sa mga unang namunong lider ng bayan ang nagdesisyon na ihiwalay ito sa Mangaldan.
Ang bayan au unang inilagay sa Barangay Torres ngunit inilipat sa kasalukuyang lokasyon nito na dating bahagi ng Sitio Apaya. Si Leon Hilario Aquino ang sinasabing namuno sa paghahati-hati ng mga lupain sa mga unang nanirahan sa Mapandan. Noong 1905, ibinalik ang bayan sa Mangaldan dahil sa paglaganap isang epidemya. Taong 1908 ng muli itong maitatag bilang hiwalay na bayan.
Pinagmulan: @PangasinanYouthForDRRM via http://mapandan.gov.ph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mapandan "