listahanan

Ano nga ba ang tinatawag ng listahanan?


Ang listahanan ay proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong matukoy kung sino at saan matatagpuan  ang mga pamilyang nangangailangan.


Ito ay nagiging batayan sa pagpili kung sino ang magiging benepisyaryo ng mga programang pang mahihirap ng ibat’t ibang organisasyon at ahensya.


Ibig sabihin, hindi awtomatiko na magiging benepisyaryo ang mga nainterbyu ng Listahanan.


Paano nito natutukoy kung sino ang mga mahihirap?


Ang DSWD ay nagsasagawa ng isang pagsusuri sa katayuan ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga sambahayan.


Ang sambahayan na may kinikitang mas mababa sa batayan ng kahirapan sa inyong lalawigan ay ituturing na mahirap.


Bakit kailangan mainterbyu ang sambahayan?


Ito ay gagamitin upang malaman ang kalagayan ng mga sambahayan at ito’y magiging batayan sa pagpili ng makakatanggap ng serbisyong naaayon sa pangangailangan.


Ano ang mga inaasahan sa isang respondent?


Inaasahan sa isang respondent ang pagbibigay ng tama at wastong sagot. Bukod dito, hinihiling din ang mga sumusunod:


1. Ang interbyu ay gagawin sa loob ng inyong bahay.

2. Magsumbong kung sakali mang may iregularidad  sa pagsasagawa ng pagsusuri. Halimbawa nito ay ang pagiinterbyu sa labas ng bahay o pagpatawag  sa isang lugar para doon gawin ang interbyu.

3. Balikan o suriing mabuti ang mga sagot sa form bago ito pirmahan upang masiguro na ito ay tama at totoo.


Pinagmulan: @dswdfo5 


Mungkahing Basahin: