bakuna para sa mga batang isang taon pababa

Schedule ng pagbibigay ng bakuna para sa mga batang isang taon pababa


Sa pagbabakuna, protektado si baby sa sakit! Sa panahon ng COVID-19, wag kaligtaan ang pagkumpleto sa bakuna ng pamilya. Siguraduhin na ligtas ang iyong mga chikiting mula sa anumang sakit.


BCG Vaccine: Sakit na maiiwasan ay tuberkulosis (TB) – Binibigay sa kapanganakan.


Hepatitis B Vaccine: Sakit na maiiwasan ay Hepatitis B. Binibigay sa kapanganakan.


Pentavalent Vaccine (DPT-Hep B-HIB: Sakit na maiiwasan ay Dipterya, Tetano, Pertussis, Pulmonya, at Meningitis. Ibinibigay sa una at kalahating buwan ng kapanganakan ika-dalawa at kalahating buwan ng kapanganakan, at muli sa ika-tatlo at kalahating buwan ng kapanganakan.


Oral Polio Vaccine (OPV): Sakit na maiiwasan ay polio. Ibinibigay sa una at kalahating buwan ng kapanganakan ika-dalawa at kalahating buwan ng kapanganakan, at muli sa ika-tatlo at kalahating buwan ng kapanganakan.


Inactivated Polio Vaccine (IPV): Sakit na maiiwasan ay polio. Binibigay sa ika-tatlo at kalahating buwan ng kapanganakan.


Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV): Sakit na maiiwasan ay Pulmonya at Meningitis. Ibinibigay sa ika-isa at kalahating buwan ng kapanganakan, ika 2 at kalahating buwan ng kapanganakan, at muli sa ika-tatlo at kalahating buwan ng kapanganakan.


Measles, Mumps, Rubella Vaccine (MMR): Sakit na maiiwasan ay tigdas, beke, at German measles. Binibigay sa ika-siyam na buwan at ika-isang taong gulang.


Pinagmulan: @PIA_RIII via Department of Health (DOH)


Mungkahing Basahin: