Paano makikilala ang isang Illegal Recruiter?


1. Siya ay nagre-recruit ng door-to-door imbes na isagawa ito sa isang opisinang lisensyado ng POEA.

2. Siya ay hindi nagbibigay ng mga importanteng detalye tungkol sa trabahong inaalok.

3. Siya ay nang-eenganyo ng mga aplikante ng direct-hiring o pagkakaroon ng trabaho na hindi dumadaan sa tamang proseso ayon sa batayan ng POEA.


Mag-ingat sa Illegal Recruiter!


Alamin ang tamang proseso ng pag-aaply ng trabaho abroad at detalye ng inaalok na trabaho. Makipagtransaksyon lamang sa opisina ng lisensyadong recruitment agency.


I-check sa www.poea.gov.ph ang mga lisensyadong recruitment agency.


Maaaring tumawag sa 1343 o 02-1343 kung may nalalamang kaso ng illegal recruitment.


Pinagmulan:fb/1343 Actionline via POEA


Mungkahing Basahin: