Handang Isip, Handa Bukas!
On Pamumuhay
Handang Isip, Handa Bukas!
Handa ka na ba sa pagbubukas ng klase?
Narito ang ilang mga mahahalagang bagay na dapat isaisip upang maihanda ang iyong sarili pagdating ng August 24. Laging tandaan, ang batang may handang isip, handa bukas! Tiyak na matatamo ang dekalidad na edukasyon.
1. Ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ay distance learning, blended learning, at homeschooling gamit ang printed o digital modules, TV, radyo, at/o online resources.
2. Doble ang pag-iingat at paghahanda para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, magulang, at guro.
3. Nagkakaisang komunidad, sa Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela ang Bayanihan.
4. Hindi kailangan ng internet at gadgets tulad ng laptop at cellphone.
5. No face-to-face classes hangga’t hindi pinapayagan ng DOH, IATF, at ng Pangulo para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
6. ALS, SPED, Indigenous People, Madrasah, at iba pang learners ay magpapatuloy din sa pag-aaral.
7. Guro at magulang ay magtutulungan bilang gabay sa learner.
8. Ipaaabot ang lessons sa malalayong lugar gamit ang self-learning modules (SLMs), radyo, at telebisyon.
9. Sumangguni sa paaralan o sa barangay para sa napapanahong impormasyon.
10.Ilalayo sa pangamba, pero ilalapit sa pangarap.
11.Pag sama sama, Sulong Edukalidad ay kayang kaya.
Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa DepEd Public Assistance Command Center sa mga sumusunod:
(02) 8636-1663, (02) 8633-1942
0919-456-0027, 0995-921-8461 (mula 8 AM hanggang 1 PM)
Pinagmulan: DepEd
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Handang Isip, Handa Bukas! "