Sino si Dr. Michael L. Tan?
On Personalidad
Sino si Dr. Michael L. Tan?
Kilalanin natin ang mga natatanging miyembro ng National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL).
Si Dr. Michael L. Tan ay kilala sa kaniyang mahahalagang ambag sa larangan ng antropolohiya.
Ilan sa kaniyang mahahalagang ambag ay ang kaniyang pag-aaral tungkol sa mga traditional medicine na nagbunga ng kilalang aklat na may titulong “Philippine Medicinal Plants n Common Use: Their Phytochemistry and Pharmacology”.
Siya rin ang isa sa mga nanguna sa pagpapa-igting ng mga polisiya tungkol sa droga at sa pag-iwas sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagbibigay importansya sa reproductive health.
Kaniyang binigyang halaga ang social behavior ng mga Filipino sa lahat ng kaniyang mga panananliksik at ang paggamit ng social scientific knowledge para sa translational medicine.
Si Academician Tan ay nagsilbi bilang ika-sampung Chancellor ng University of the Philippines (UP)
Diliman, at propesor at dekano ng UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy.
Siya ay nagsilbing miyembro ng Gender and Rights Advisory Panel ng World Health Organization at kabilang sa editorial advisory board ng apat na kilalang academic journals: Global Public Health, Sex Education, Culture, Health and Sexuality at Asian Anthropology.
Isa rin siyang kilalang columnist ng Philippine Daily Inquirer.
Siya ay nagawaran ng Takashi Fujii Award for Originality in Social Science Research ng International Federation of Social Science Organizations noong 1997, Rizal Outstanding Chinese-Filipinos Award for Literature and Journalism ng Manila Times at Kaisa noong 2005, Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng ma Manunulat sa Pilipinas noong 2006, at ng Centennial Professor Award ng UP noong 2009.
Si Acd. Tan ay nagtapos ng Doctor of Veterinary Medicine (1977) sa UP, Master of Arts in Anthropology (1982) sa Texas A&M University, at Ph.D. Anthropology (1996) sa University of Amsterdam. Siya ay nahalal bilang miyembro ng NAST PHL noong 2012.
Pinagmulan: NAST Philippines | @nastphl
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sino si Dr. Michael L. Tan? "