Sino si Dr. Agnes C. Rola?

Kilalanin natin ang mga natatanging miyembro ng National Academy of Science and Technology Philippines (NAST PHL).


Si Dr. Agnes C. Rola ay kilala sa kaniyang mga mahahalagang ambag sa larangan ng agricultural economics. Ilan sa kaniyang mahahalagang kontribusyon ay ang kanyang pag-aaral ng framework upang matukoy ang mga external factors na nakaloob sa agricultural production.


Ang kanyang pag-aaral ay nagbunga ng pagbabago sa polisiya tungkol sa regulasyon ng mga toxic pesticides at ang paggamit ng integrated pest management. Ang resulta ng kaniyang pag-aaral sa Farmer Field School (FFS) ang ginamit na basehan ng World Bank Ukol sa FFS.


Ang kaniya ring pag-aaral ay nagdulot ng mga polisiya sa tubig na nakatutulong sa pamamahala ng mga likas na yaman ng ibat’t ibang komunidad.


Siya ay nagsilbi bilang research associate at professor sa University of the Philippines (UP) Los Banos at nagsilbi ring dekano ng College of Public Affairs and Development mula 2006 hanggang 2012.


Siya ay miyembro ng Philippine Agricultural Economics and Development  Association (PAEDA), East Asian Economics Association, International Association of Agricultural Economists, UP Los Banos Foundation, Inc. at naging isa sa mga Global Authors ng International Assessment of Agricultural Science and Technology for Development.


Siya ay nagawaran ng Best Contributed Paper Award ng PAEDA noong 2004, Achievement Award ng National Research Council of the Philippines at Zayed International Prize for the Environment noong 2005. Outstanding Book Award ng NAST PHL at Best Paper Award ng Commission on Higher Education noong 2007, at UP Science Productivity Award ng UP System noong 2010.


Si Agnes Rola ay nagtapos ng kaniyang Bachelor of Science in Statistics (1974) sa UP Diliman, Master of Science in Agricultural Economics (1978) sa UP Los Banos, at Ph.D. in Agricultural Economics (1985) sa University of Wisconsin-Madison.


Siya ay nahalal bilang miyembro ng NAST PHL noong 2011.


Pinagmulan: @nastphl / NAST Philippines


Mungkahing Basahin: