Ika-121 Anibersaryo ng Pagsuko ng mga Espanyol sa Baler


Ngayong, Hunyo 2, 2020, ay ang ika-121 anibersaryo ng pagsuko ng mga Espanyol na nagkubli sa simbahan ng Baler (ngayo’y kabisera ng Aurora). Ang mga sundalong ito ang huling puwersang Espanyol sa Pilipinas.


Hinangaan ang kanilang giting sa pagtatanggol. Ito ang nagbunsod kay Pangulong Aguinaldo na ipag-utos noong 30 Hunyo 1899 ang pagturing sa mga bilanggong Espanyol bilang kaibigan.


Ang anibersaryo ng dekretong ito ay ipinagdiriwang ngayon bilang Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol.


Pinagmulan: National Historical Commission of the Philippines