Ngayong New Normal, may mga adjustment na ipinatutupad ang DepEd para sa maayos at ligtas na proseso ng enrollment para sa darating na pasukan. Kung may mga katanungan tungkol sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF), basahin ang mga sumusunod na paalala.


Ano ang Learner Enrollment and Survey Form o ang LESF?


Ito ay isang instrumento upang ma-rehistro ang mga estudyante sa darating na school year at magamit din upang makalikom ng impormasyon sa kakayahan ng bata ukol sa iba’t ibang learning modes.


Saan maaaring makakuha ng LESF?


Para sa magulang: Ang LESF ay maaaring ma-download sa opisyal na DepEd Website (www.deped.gov.ph) at social media accounts. Maaari din itong makuha sa mga enrollment kiosk/-booth/desk sa inyong mga barangay.


Para sa guro: Ang LESF ay maari ding madownload mula sa Learner Information System (LIS).


Paano maipapasa ang LESF?


Ang pagpapasa ng LESF ay maaring sa pamamagitan ng e-mail, Facebook Messenger, at iba pang paraan na may kinalaman sa online. Ang pagpa-pasa nito sa pamamagitan ng face-to-face sa paaralan o sa barangay ng mga magulang ay papahintulutan lamang sa ikatlo at ikaapat na linggo ng enrollment period.


Maaaring i-download ang LESF (Filipino/English) sa https://bit.ly/depedlesf2020.


Tandaan, remote enrollment lamang, at ipagbabawal ang anumang pisikal na pagpunta sa paaralan, sa unang dalawang linggo ng Hunyo.


Dapat pa rin ba akong mag-fill out ng LESF kung narehistro ko na ang aking estudyante noong “early registration”?


Dapat pa ring magpasa ang mga magulang ng LESF sa kadahilanang may mga karagdagang impormasyon sa nasabing dokumento kumpara sa ipinasa noong “Early Registration” form. Ang pagpapasa  nito ay kinakailangan upang makumpirma ang mga impormasyon ng mga mag-aaral.


Pwede bang i-convert ang LESF sa Google form?


Pwede, basta siguraduhing makukuha ang lahat ng data elements ng LESF at ma-encode sa LIS.


Pinagmulan: PIA_RIII via DepEd


Mungkahing Basahin: