On
Impormasyon na dapat malaman tungkol sa Anti-terrorism bill

Nais ng NYC na maipabatid ang mga impormasyon na dapat maunawaan ng lahat tungkol sa Anti-Terrorism Bill.


Totoo ba na ang Anti-terrorism bill ay naglalayong supilin ang banta laban sa administrasyon ni Presidente Duterte?

Ang banta ng terorismo ay hindi banta sa administrasyon. Ito ay banta sa ating bansa at sa lahat ng mamamayan. Ito ay salot na tahimik na naghihintay sa kadiliman hanggang sa ito ay handa nang maghasik ng lagim at panganib sa taumbayan.


Totoo ba na ang Anti-terrorism bill ay isang paglabag sa karapatang pantao?

Hindi!

Ang Anti-terrorism bill ay resulta ng matapat na pagsusumikap ng ating mga mambabatas na pangalagaan ang karapatan ng mamamayang nakasaad sa Saligang Batas, habang pinapaigting ang mga hakbang upang palakasin ang ating pambansang seguridad.


Totoo ba na ang administrasyon ay hindi dapat pagtiwalaan ukol sa Anti-terrorism bill?

Ang mga batas ay hindi ginawa upang mabuhay at mamatay kasama ng iisang administrasyon. Ang batas na ito ay tumutugon sa kasamaan ng terorismo na nagbabanta sa atin at sa henerasyon na susunod sa atin.


Totoo ba na mawawalan ako ng privacy pag ito ay naipasa dahil ang mga text, calls, emails at iba pang social activities ay mamanmanan ng gobyerno?

Sa ilalim ng Anti-terrorism bill, kailangan na may sapat na batayan upang makapag-apply para sa kahit na anong isasagawang wiretap.


Pinagmulan: NYC | @NYCPilipinas | via NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster