Pagplano ng Pamilya
On Kalusugan
Pagplano ng Pamilya
Sa mga panahong ito, alamin ang tamang hakbang upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.
Narito ang ilang gabay sa modern FP!
Ang modernong FP (Pagplano ng pamilya) ay ang paggamit ng contraceptive upang ipagpaliban ang pagbubuntis at magka-baby sa panahong gusto mo na.
Pills
1. Napakabisa sa pag-iwas sa pagbubuntis (93%)
2. Hindi humahadlang sa pagtatalik
3. Sumusunod sa isang iskedyul (dapat iniinom araw-araw at sa takdang oras)
4. Libre sa pagamutan ng gobyerno o pwedeng bilhin sa botika
Kailangan mong uminom ng isang tableta na may kaunting hormones araw-araw, kung makikipagtalik ka man o hindi. Ito’y nasa buwanang pack. Ang tableta ay ligtas, abot kaya, epektibo kung lagi mo itong iinumin sa takdang oras. may isang klase na ligtas para sa nagpapasusong ina.
Pwedeng itigil kung gusto nang magbuntis.
Condoms
1. Mabisa sa pag-iwas sa pagbubuntis kung ginagamit nang tama kapag makikipagtalik (87%)
2. Nag-iisang FP na may proteksiyon laban sa HIV at STI
3. Walang Hormones
4. Libre sa pagamutan ng gobyerno o pwedeng bilhin sa botika
Isang manipis na balot na isinusuot sa matigas na ari ng lalake bago makipagtalik para hindi papasok ang tamod at semilya.
Iniiwasan nito ang pagbubuntis at ang mga sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik (sexually-transmitted infections o STI at HIV). Pwede itong gamitin kasabay ng ibang FP para maiwasan ang mga sakit na iyon. Dapat tama ang paggamit ng condom tuwing makikipagtalik.
Injectable
1. Mabisa sa pag-iwas ng pagbubuntis (96%)
2. Hindi humahadlang sa pagtatalik
3. Sumusunod sa isang iskedyul (dapat nasa takdang araw ang kada iniksyon)
4. Libre sa pagamutan ng gobyerno
Magpaturok kada 2 o 3 buwan, depende sa brand ng injectable. Ito ay mabisa kung magpapaturok sa takdang iskedyul. Ligtas ito para sa mga nagpapasusong ina.
Pwede mong itigil kung gusto mo ng mabuntis.
Implant
1. Lubhang mabisa sa pag-iwas ng pagbubuntis (99.9%)
2. Hindi humahadlang sa pagtatalik
3. Madaling gamitin at pangmatagalan
4. Libre sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng Philhealth
May isang malambot na plastic na kasing liit ng posporo na ipinapasok sa ilalim ng balat ng braso. Pinipigilan ng implant ang pagbubuntis at ito’y mabisa mula 3 hanggang 5 taon, depende sa brand. Ligtas ito para sa nagpapasusong ina.
Pwede itong ipatanggal kung gusto mo nang magbuntis. Tanungin mo lang ang docktor, nars o midwife.
Naubusan na ng Pills o Condoms?
Humingi ng ekstrang suppy sa inyong Barangay Health Worker o Barangay Population Volunteer! o bumili ng supply sa pinakamalapit na pharmacy o convenience store (para sa condoms).
Meron ka bang katanungan tungkol sa Family Planning (FP)?
Para sa inyong mga katanungan tungkol sa Family Planning, magpunta lamang sa pinakamalapit na Health Center sa inyong lugar o tumawag sa FP Hotline: 0943-572-9488.
Pinagmulan: PIA_RIII via POPCOM Region III
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pagplano ng Pamilya "