Kailan itinatag ang Culion Leper Colony?

Itinatag sa bisa ng kautusang tagapagpaganap bilang 35 ng pamahalaang Amerikano noong Agosto 22, 1904.


Nakarating dito ang unang grupo ng 365 na may sakit na Hansen mula sa Bisayas noong Mayo 27, 1906.


Ipinatupad ang Batas Blg. 1711 na tinipon ang mga may sakit sa Culion noong Setyembre 12, 1907.


Naging pinakamalaki at modelong leprosaryo sa buong mundo at sentro ng pananaliksik sa sakit noong dekada 1920. Simula 1927, bumaba ang bilang ng mga ipinatapon sa Culion sa pagbukas ng mga pagamutan para sa sakit sa mga rehiyon.


Noong ikalawang digmaang pandaigdig, kinumpiska ng mga hapon ang pagkaing naimbak sa isla, kaya’t higit sa 2,000 pasyente ang namatay sa gutomat ibat’t ibang sakit.


Ang dating ospital ng Culion ay naging Culion Sanitarium  and General Hospital noong 2009.


Pinagmulan: National Historical Commission of the Philippines @NHCPOfficial


Mungkahing Basahin: