Kadalasang tanong ukol sa convalescent plasma therapy
1. Pwede bang mamili ang donor ng pagbibigyan ng convalescent plasma?
Hindi. Ang St. Luke’s Medical Center ang maghahanap ng pasyenteng compatible sa ido-donate na convalescent plasma.
2. Mahigpit pa ang checkpoints sa aming barangay. Mahirap din mag-commute dahil wala pang public transportation. Paano kami makakapunta sa ospital para mag-donate?
Kapag ikaw ay pumasok sa mga nasabing kwalipikasyon at nasiguro na ikaw ay maaring mag-donate, hihingin ang inyong home address para kayo ay masundo mula sa inyong bahay at maihatid din pabalik.
3. Hindi ako naging COVID-19 positive, pero gusto ko magdonate. Pwede po ba ito?
Hindi. Ayon sa pag-aaral, ang convalescent plasma ay matatagpuan lamang sa dugo ng mga pasyenteng gumaling na sa COVID-19.
4. Pwede bang mag-donate ng maraming beses ang isang donor?
Pwede, ngunit kailangang hintayin lumipas ang 14 na araw bago ulit makapag-donate ng convalescent plasma.
Pinagmulan: @KayaNatinPH
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kadalasang tanong ukol sa convalescent plasma therapy "