Dr. Rodel D. Lasco
On Personalidad
Sino si Dr. Rodel D. Lasco?
Kilalanin natin ang mga natatanging miyembro ng National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL).
Si Dr. Rodel D. Lasco ay kilala sa kaniyang mga mahahalagang pag-aaral patungkol sa climate change, terrestrial ecosystems, agroforestry, at natural resources management. Ang resulta ng mga ito ay nagsilbi bilang basehan ng pro-poor carbon projects sa bansa.
Kaniya ring pinangunahan ang mga pag-aaral ng mga paraan upang mapagaan ang epekto ng climate change na nalimbag sa 2007 Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) Fourth Assessment Report.
Siya rin ang nag-organisa ng unang national conference para sa climate change noong 2007 sa Pilipinas. Ang kaniyang mga naunang pag-aaral paukol sa kahalagahan ng agroforestry systems sa bansa ay patuloy nagsisilbing mahalagang impormasyon hanggang sa kasalukuyan.
Patuloy rin niyang isinusulong ang kaniyang adbokasiya na “climate proof” Philippines.
Siya ay kasalukuyang nagsisilbi bilang scientific director ng Oscar M. Lopez Center: Science for Climate Resilient Communities at senior scientist at Philippines Programme Coordinator ng World Agroforestry Centre.
Siya rin ay nagsilbing propesor sa College of Forestry and Natural Sciences at School of Environmental Science and Management ng University of the Philippines (UP) Los Baños at nagsilbing visiting scientist sa Center for International Forest Research sa Bogor, Indonesia.
Siya ay nagawaran ng Outstanding Young Scientist ng NAST PHL noong 1999, Outstanding Scientist Award ng Forests and Natural Resources Research Society of the Philippines noong 2006, at Nobel Peace Prize noong 2007,bilang isa sa scientists ng nag-contribute sa IPCC assessment report.
Si Acd. Lasco ay nagtapos ng Bachelor of Science in Forestry (1981), Master of Science in Forestry (1986) at Ph.D. Forestry (1991) sa UP Los Baños.
Siya rin ay nagtapos ng kaniyang postdoctoral work sa University of Guelph noong 1993. Siya ay naihalal bilang miyembro ng NAST PHL noong 2009.
Pinagmulan: NASP
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Dr. Rodel D. Lasco "