Benepisyo ng Burong Honey at Bawang
Nakakagulat ang benepisyong taglay ng pinagsamang bawang at honey. Marami sa atin ang hindi nakakaalam na pwedeng pagsamahin ang bawang at honey.
Epektibo itong pampalakas ng immune system para palakasin ang resistensya ng katawan panlaban sa mga virus at impeksyon.
Ang bawang ay ginagamit sa pagluluto upang magbigay ng bango at sarap sa pagkain. Nagbibigay din ito ng maraming health benefits dahil sa mataas na antibacterial at antioxidant nito.
Ang bawang ay mababa sa calories pero mataas sa nutrients. Nagtataglay ito ng manganese, vitamin B6, vitamin C, selenium, at fiber. Binabawasan nito ang pagkakaroon ng osteoporosis, sakit sa puso, high blood pressure, stroke, trangkaso o lagnat, ubo at sipon. Makakatulong din ito sa mga may bronchitis, asthma, stomach ulcer at parasites o bulate sa tiyan. Ang bawang ay makakapigil din sa pagkakaroon ng mga cancer tulad ng prostrate at stomach cancer.
Ang honey naman ay nagtataglay ng powerful antioxidants, enzymes at minerals tulad ng iron, zinc, potassium, phosphorous, magnesium at selenium. Meron din itong vitamin B6, thiamine at niacin. Ang mga natural na vitamins at minerals na ito sa honey ay makakatulong sa pagpapababa ng cholesterol level at high blood pressure.
Ang pinagsamang antibacterial at antioxidant properties ng honey at bawang ay makapagbibigay ng mabisang pampalakas ng immune system laban sa mga viruses at impeksyon.
Ang burong honey garlic ay makakatulong din sa pag-aayos ng blood pressure, cholesterol level at panlaban sa brain damage.
Paano eprepara ang paggawa ng garlic honey?
- Balatan at pitpitin ang bawang
- Paghaluin ang honey at bawang sa isang malinis na lalagyan
- Isara ang lalagyan at hayaan ng ilang araw
No Comment to " Benepisyo ng Burong Honey at Bawang "