Ang Ramadan ay malaking panahon ng pangingilin ng mga Muslim tuwing ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam.


Sa buong panahon ng pangingilin ay kailangang mag-ayuno sa pamamagitan ng pag-iwas kumain at uminom mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw.


Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay.


Panahon din ito ng araw-araw na pagdarasal. Humihingi ng patawad para sa kanilang mga kasalanan ang mga Muslim, nagdarasal para sa kanilang kaligtasan, at laban sa masamang espiritu sa araw-araw.


Nililinis din nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng disiplina at kawanggawa. Nagtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr