On
Ang isang Export Processing Zone (EPZ) ay tumutukoy sa isang yunit ng pamahalaan na nakatuon sa promosyon ng pag-angkat bilang bahagi ng pagpapalakas ng ekonomiya.


Sa pandaigdigang antas, karaniwang bumubuo ng EPZ para sa pagpapalago ng mga pilìng industriya, panghihikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, pagkontrol sa mga pinagkukunan ng mga dayuhang salapi, at paghahasa ng teknolohiya at kakayahan sa paggawa.


Bilang pangganyak sa malaking mamumuhunan, nagbibigay ang pamahalaan ng maraming espesyal na benepisyo sa EPZ, tulad ng pribilehiyong hindi magbayad ng buwis. May sarili itong pamamahala at nagsasariling ahensiya ng adwana. Dahil sa naturang pribilehiyo, may mga itinakdang patakaran ang pamahalaan ayon sa Special Economic Zone Act ng 1995 (Republic Act 7916) upang maiwasan ang ilegal na mga gawain.


Pinamamahalaan naman ang mga EPZ ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya.


Ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ) ang isa mga bantog na EPZ sa bansa. Matatagpuan ito sa Mariveles, Bataan at sumasakop sa 12% ng kabuuang laki ng lalawigan ng Bataan. Ito ang kauna-unahang free trade zone sa Filipinas at pinamamahalaan ng Bataan Export Processing Zone Authority. Ang mga industriyang itinatangi dito ay agrikultural (tulad ng bigas, mangga, kape, at mga gulay), akwatiko (tulad ng isdang lapulapu nat mga tahong), pangkagubatan (tulad ng mga kawayan at mga baging), at mineral (tulad ng granite at basalt).


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: