Ano ang Provincial Product Accounts?
Ano nga ba ang Provincial Product Accounts?
Ang Provincial Product Accounts o PPA ay siyang itinuturing na Gross Domestic Product (GDP) ng isang probinsya. Ito ay nakapagdaragdag sa GDP ng bansa at mga rehiyon.
Ipinapakita rin nito ang isang komprehensibong larawan ng ekonomiya ng mga probinsiya.
Sinusukat ng GDP ang kabuuang produksiyon ng produkto/serbisyo at serbisyo kagalingang ekonomiko ng isang bansa.
Sinasalamin nito ang kabuuang halaga sa merkado ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa isang partikular na panahon.
Kung mas malaki ang growth rate (laki ng itinaas ng GDP), mas lumalakas ang ekonomiya; kung mas malakas ang ekonomiya, mas marami ang mamumuhunan sa bansa at mas darami ang trabaho.
Pinagmulan: @PSAgovph (Philippine Statistics Authority)
No Comment to " Ano ang Provincial Product Accounts? "