Don at Donya
Pinairal ang tawag na don at doña (binabaybay ngayong dónya) sa Filipinas noong panahon ng Espanyol at ipinalit sa mga katutubong salita ng paggalang, lalo na para sa mga panginoong Espanyol.
Gayunman, sa paglipas ng panahon ay ipinantawag na rin ito sa mga Filipinong mariwasa at miyembro ng prinsipalya.
Bahagi ng satira sa nobela ni Rizal ang pagkarikatura sa mga Filipino na nagpapatawag ng don at donya dahil mayaman ngunit hindi naman iginagalang ng mga taumbayan at itinuturing pa ring nakabababa ng mga fraile at opisyal na Espanyol.
Isang marikit na karikatura si Donya Victorina na totoong kumakatawan sa mga katutubo na naglulunggating maging Espanyol. Sa ngayon, tinatawag ding “don” o “donya” ang nais pagtawanan dahil nagpipilit kumilos at magsalitang tila isang mariwasa o dayuhan.
No Comment to " Don at Donya "