Death March
Ang mga nasabing kawal ang mga tagapagtanggol ng Bataan na sumuko sa mga Hapon noong 9 Abril 1942.
Pinamartsa ang mga bilanggo ng ilang araw nang walang pagkain o tubig habang sila ay tumatanggap ng pang-aabuso sa kamay ng mga sundalong Hapon.
Lampas diumano sa 10,000 Filipino at 1,200 Amerikano ang nasawi sa gutom, sakít, at pahirap kung kayâ’t itinawag ang insidente na Martsa ng Kamatayan na kinikilala bilang isa sa pinakakarumal-dumal na halimbawa ng pagmamalupit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagdating ng San Fernando, isinakay sa mga tren ang mga natirang nagmartsa hanggang makarating sila sa Kampo O’Donnell sa Tarlac upang doon ibilanggo.
Sinasabing hindi daw handa ang mga Hapon na tumanggap ng ganoon karaming bilanggo, ngunit sanhi din marahil ng kanilang pagmamalupit ay ang mababa nilang tingin sa mga sundalong sumusuko.
Bukod sa pagpatay sa mga sundalong nagbalak na uminom ng tubig-kanal na malapit sa pinagdadaanan nila at sa hindi pagbibigay ng tubig at pagkain, ang mga nagmartsa ay paulit-ulit na nakaranas ng mga sumusunod:
(1) ang pagpalo sa kanilang ulo ng mga Hapon ng walang kadahilanan,
(2) ang sadyang pagbilad sa kanila sa init ng araw ng ilang oras,
(3) ang biglaang pagsagasa sa kanila ng mga trak at tangke, at
(4) ang pagbaril at pagpugot sa ulo ng mga bihag na hindi makasabay sa pagmartsa.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Ang simula ng death march
Eksaktong 80 taon na ang nakararaan sa lalawigan ng Bataan, nangyari doon ang itinuturing na isa sa pinakamalalang war crime sa kasaysayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Martsa ng Kamatayan. “Bataan has fallen, but the spirit that made it stand—a beacon to all the liberty-loving peoples of the world—cannot fall!”. Ito ang malungkot na balita na inihayag ng Voice of Freedom habang nasa Malinta Tunnel sa isla ng Corregidor sa mga radyo sa buong bansa.
Matapos ang 93 araw na pagkubkob ng mga pwersang Hapones sa linya ng depensa ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan, nagpahayag na ng pagsuko si Heneral Edward P. King, Jr., pinuno ng pwersang Amerikanong nagtatanggol sa Bataan, kina Heneral Nagano Kamaechiro and Koronel Nakayama Matoo pasado 11 ng umaga, at natapos ang negosasyon sa pagsuko kinatanghalian. Sa kondisyong itatrato nang makatao ng mga Hapones ang mga susukong sundalo, bumagsak sa kanilang kamay ang nasa 76,000 na pagod na pagod at sugatang mga sundalong Pilipino at Amerikano. Nagpahayag ng pakikiramay at pagbibigay-pugay si Pangulong Manuel Luis Quezon habang nasa Australia sa mga sundalong ibinuwis ang buhay nila sa kanilang pagtatanggol sa Bataan.
Sa pagbagsak ng Bataan sa mga Hapones, nagsimula na rin ang isa sa pinakamalalang war crime na ginawa ng mga Hapones noong panahon ng digmaan. Sa habang 105 kilometro, pwersahang nilakad ng mga presong Amerikano at Pilipino ang lubak-lubak, putikan at nanlilimahid na kahabaan ng daan mula sa Mariveles, Bataan hanggang sa San Fernando, Pampanga. Gutom, matinding uhaw at pananakot ng mga bantay na Hapones ang naging kalaban ng mga walang kalaban-labang mga preso, at hindi gaya ng ipinangakong pagiging makatao sa mga preso, matinding kalupitan ang inihasik ng mga Hapones sa kanila. Ang mga di na makalakad, binabaril o di kaya’y binabayoneta, pinagmamalupitan ang mga nagtatangkang uminom ng tubig sa kanal, at hinahayaan nilang mamatay o di kaya’y hinahayaan nanh sagasaan ng mga trak ang mga naghihingalo nang mga sundalo.
Pinagmulan: socsciclopedia
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Death March "