Ang dapo ay isang uri ng halaman na kabilang sa pamilya ng Polypodiaceae at may botanikong pangalan na Asplenium nidus.


Ito ay may mapusyaw na berdeng kulay at may pahabang dahon. Ang mga dahon ay tumutubong paikot mula sa gitna ng halaman.


Bukod sa pangalang dapo tinatawag din itong pakpak lawin ng ibang Filipino. Ito ay karaniwang tumutubo kahit nakasabit lamang sa ilalim ng mga punongkahoy o malalaking bato.


Ginagamit ito bilang halamang ornamental para sa landscaping. Inilalagay ito sa loob ng mga gusali o establisimyento bilang halamang dekorasyon. Ang maliliit na klase naman nitó ay ginagawang halamang nakasabit.


Ipinantatawag din ang dapo katumbas ng orkídya (mula sa Espanyol na orquidea). Maraming katutubong uri nito sa ating kagubatan, at pinakapopular ang sanggumay at wáling-wáling.


Kinagigiliwang itanim ang mga uring ito dahil sa iba’t ibang kulay at hugis ng bulaklak. May malalaking taniman ng dapo sa iba’t ibang pook ng bansa, bagaman bantog ang mga orchid farm sa Davao, at nagbebenta ng mga bulaklak para sa iba’t ibang pangangailangan ng mga lungsod.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: