Dampalit
Tumutubo ito sa mabuhanging putik ng tabing dagat, pinak na may tubig-alat, at gilid ng pilapil ng palaisdaan. Tinatawag itong sea purslane sa Ingles at minsang tinawag na samphire ng isang eksperto sa pagkain.
Maaaring ito’y damo para sa karaniwang tao ngunit atsara sa nakaaalam. Ang atsarang dampalit ay popular mula sa mga pook palaisdaan ng Laguna at Bulacan. Mainam itong ilahok at pampaalis sawa sa pagkain ng matabang pritong isda o karne.
Isang ilog at isang lipon ng talon sa Laguna ang ipinangalan sa dampalit.
Sa El filibusterismo, nabanggit ni Rizal na isang munting landas patungo sa paliguan sa Los BaƱos ang may pangalang “Dampalit” at nilagyan pa niya ng etimolohiyang “daang paliit.” Hindi kaya niya naisip na ipinangalan ito sa damo na malaganap sa paligid ng look?
Pinagmulan: NCCA Official: Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Dampalit "