Oyayi
Ang oyayi ay awit pampatulog ng bata o sanggol. Isa ito sa pinakamatandang halimbawa ng awit ng mga Filipino.
Mayaman ang tradisyon ng ganitong awit sa Filipinas. Patunay nito ang iba’t ibang tiyak na halimbawa ng oyayi sa maraming etnolingguwistikong pangkat sa bansa.
Kabilang dito ang
- “Hili na” (Tagalog),
- “Huluna” (Tagalog),
- “Caturug, Caturug” (Bikol),
- “Duayya” (Iloko),
- “Tambayo na Ogao” (Pangasinan),
- “Anak nga Walay Palad” (Sebuwano),
- “Tingkatulog” (Boholano),
- “Katurog na Entoy” (Waray),
- “Pamuwa sa Bata” (Bukidnon),
- “Lingon” (Bilaan), at iba pa.
Ngunit bukod sa pagiging awit na pampatulog sa sanggol, mahihiwatigan din sa oyayi ang karanasan at kaugalian ng iba’t ibang mamamayan sa Filipinas. Halimbawa, sa “Angngiddue” ng mga Gaddang, makikita ang pagsisikap ng ina hindi lamang sa pag-aalaga ng kaniyang anak, kundi sa paghahanap ng ikaubuhay nito:
Aru, aru maturog caadua
Se inang namamaet
Imam so idang nga Battung
Take si macaalap si isira iadung.
(Aru, aru, humele ka na
nagpunta sa ilog ang iyong ina
para manghuli ng isda
na ipapakain sa kanyang mga anak).
Gayundin ang ipinahihiwatig ng mas popular na oyayi ng mga Sebuwano, ang “Ili-ili, Tulog Anay.”
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Oyayi "