Saan matatagpuan ang anilao?


Ang Anilao (a·ni·láw) ay isang popular na pook-bakasyunan sa bayan ng Mabini, lalawigan ng Batangas. Binubuo ito ng dalawang barangay (Anilao Proper at Anilao East) at matatagpuan sa dulo ng Tangway ng Calumpang.


Tanyag ang Anilao bilang isang pook-sisiran (dive spot), at dinadayo ng mga scuba diver at snorkeler mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Itinuturing itong isa sa mga unang dive spot sa bansa, at nagsimulang sumikat noong dekada sitenta.


Paborito ang Anilao at mga karatig-pook (tulad ng mga pulo ng Sombrero at Maricaban) ng mga maninisid mula sa Metro Manila, dahil na rin mas malapit ito sa lungsod kaysa ibang dive spot.


Hitik ang dagat sa paligid ng Anilao sa mga lamantubig, tangrib, at maraming uri ng isda. Malinaw din ang tubig. Matatagpuan naman sa dalampasigan ang mga resort.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: