Salakab
Hugis banga ito na binaligtad, binubuo ng nilalang piraso ng kawayan at pinagkabit-kabit nang pabilog sa pamamagitan ng pantaling yantok o nilapat na kawayan.
Nakabukas ang magkabilang dulo nito bagaman nakabuka at malaki ang pang-ilalim na dulo samantalang maliit at may mahigpit na lalang yantok ang pang-ibabaw na dulo.
May mga tulis din ang mga piraso ng kawayan sa pang-ilalim na dulo. Ang malilit na dulo o bibig ang hinahawakan ng mananalakab (mangingisdang gumagamit ng salakab). Kailangang matulis ang pang-ilalim na dulo o bibig upang bumaon ito sa putikan kapag isinaksak sa tubigan ang salakab.
Sa pananalakab, isinasaksak ng mangingisda ang salakab sa lahat ng bahagi ng tubigan sa sistematiko at unti-unting paraan. Sa bawat saksak ng salakab, ipinapasok niya ang isang kamay upang apuhapin sa putikan at dakmain ang isda na nasukol sa loob ng salakab.Sa ganitong paraan, mahirap makaligtas ang isda kahit magtago ito sa ilalim ng putikan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Salakab "