Guman
Ito rin ang pamagat ng epikong-bayan na naitala ni Esterlinda Mendoza-Malagar noong 1971 at inawit ni Pilar Talpis. Habang kinakanta ang Guman ng Dumalinao, nakatakip ang mukha ni Talpis at nakasara ang mga bintana ng bahay.
Nagsimula ang Guman ng Dumalinao sa pagpapakilala ng naghaharing pamilya sa Bundok Dliyagn, sina Datu Pombnwa, ang kaniyang asawang si Baysalaga, sina Sampliakn at Tinayobo na bahagi rin ng kanilang kabahayan. Isang araw, may dumating na mga mananakop. Kahit na patuloy na tumataas ang tinitirhang bundok ng kaharian ni Pombnwa, naabot din ito ng mga kalaban. Nagkaroon ng digmaan at natalo ang pamilya ni Pombnwa.
Isang lalaki ang dumating, si Sakandal, nang malaman ang nangyari sa Dliyagn. Tinulungan niya ang anak ng datu na si Ba-e ri Dliyagn na bumalik ang lakas at nang malakas na ang anak ng datu, pumunta sila sa bahay ni Pombwa at lumakas ang datu at si Sampliakn.
Nang magdalaga na ang anak ng datu, binago ang kaniyang pangalan at tinawag na Pailalm ri Bolak. Samantala, nakipaglaban si Sakandal sa kaharian ng Tomanong. Halos mamatay si Sakandal sa pagod sa pakikipaglaban kung kaya tinulungan siya ni Bolak na lumakas sa pamamagitan ng mahiwagang pamaypay.
Isang araw, nakatanggap ng balita si Pailalim ri Bolak na may parating na mga kalaban. Sinabi ni Sakandal sa mensahero na dalhin ang isang singsing ngunit bago pa man dumating ang mensahero sa lugar, nauna na ang mga kalaban. Natanggal ang pagkakabuhol ng singsing sa panyo at lumabas si Salilayan, na siyang lumaban sa mga bagong mananakop. Nang matapos ang labanan, tinanong ni Salilayan kung ano pa ang kaniyang mapaglilingkod sa kaniyang among. Sinabi ni Pailalam ri Bolak na ibigay sa kaniya ang kapangyarihan nito.
May guman na tungkol sa ibang kaharian ngunit katulad din ng nangyari sa Dliyagn ang salaysay. Isang lalaki namang nagngangalang Madlawe ang tumulong sa pamilyang natalo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Guman "