Matatagpuan ang Bundok Data sa kabundukan ng Cordillera, mahigitkumulang 50 km mula sa Lungsod Baguio sa hanggahan ng mga lalawigan ng Benguet at Mountain Province. May taas itong 2310 m.


Ipinahayag itong Pambansang Parke noong 1936 at may lawak na 5512 ektarya.


Kilala ang bundok at kaligiran nito sa mataas na antas ng saribuhay (biodiversity). Dito lamang matatagpuan ang ilang hayop, tulad ng whitebellied Luzon tree rat (Carpomys phaeurus), short-footed Luzon tree rat o greater dwarf cloud rat (Carpomys melanurus), at Whitehead’s swiftlet (Aerodramus whiteheadi).


Tulad sa ibang bahagi ng Cordillera, malamig ang klima at hitik sa punong pino ang tanawin.


Noong 13 Setyembre 1986, nilagdaan ang tinatawag na Kasunduang Bundok Data (Mount Data Agreement/Accord) sa Mt. Data Hotel sa bayan ng Bauko, Mountain Province ng ng pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino at ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) na pinamumunuan ni Conrado Balweg.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: