Banak
Ito ay makikita sa mainit at malamig na bahagi ng karagatan sa buong mundo. Kalimitan ay nasa baybayin at tubig-alat. May mangilan-ngilan ding matatagpuan sa tubig tabang tulad ng Liza abu. Ang banak ay importante sa ekolohiya at ekonomiya ng bansa.
Ang katawang ng banak ay may apat na tinik at ang malambot na palikpik sa likod ay magkakahiwalay. Ang linya sa gilid ng katawan ay bahagyang nakikita. Ang bibig ay katamtaman ang laki. Walang ngipin o maliliit ang ngipin. Ang hasang ay mahaba. May 24 hanggang 26 na bertebra.
Ang mga banak ay lumalangoy na magkakasama at kumakain ng alga, diatoms, at patay na organismo.
Maraming uri ng banak pero ang pinakakilala ay ang Mugil cephalus Linnaeus. Ito ay matatagpuan sa malawak na bahagi ng tropiko at subtropikong rehiyon, sa pagitan ng latitud 42 hilaga at 42 timog.
Ang pinakamalaking naitala ay 100 sentimetro at ang pinakamatanda naman ay 16 na taong gulang. Madalas na naglalagi sa ibabaw ng buhangin at putik sa lalim na 0 hanggang 10 metro.
Ang babaeng banak ay maaari nang mangitlog pagkalipas ng 3 hanggang 4 na taon. Ang pangingitlog ay nangyayari sa dagat ngunit ang takdang panahon ay hindi pare-pareho at depende sa lokasyon. Ang bilang ng itlog ay 0.8 hanggang 2.6 milyon.
Ang banak ay malawakang inaalagaan sa Mediteraneo, Timog-Silangang Asia, Taiwan, Japan, at Hawaii.
Sa Pilipinas, ang banak (kasama ng bangus) ay sinimulang alagaan sa palaisdaan noong 1953. Para sa proteksiyon at konserbasyon nitó, pinalabas ng pamahalaan ang Fisheries Administrative Order 139 noong 1982 na nagbabawal sa loob ng limang taon ang manghuli, bumili, magbenta, mag-alok para sa pagbebenta, pagtataglay at paglilipat ng banak o lodong sa lahat ng tubig sa loob ng bansa.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Banak "