Ang letse plan
Isinisilid ang naturang mga sangkap sa isang hulmahang habilog lata na tinatawag na lyanera at iniluluto sa singaw ng kumukulong tubig.
Tiyak na mula ito sa kusinang Espanyol, gaya ng pangyayaring ang pangalan nitó (leche flan) at mga sangkap (azucar, arnibal) at gamit (llanera) ay hiram sa wikang Espanyol.
May alamat na nauso ang letse plan dahil kinailangan ang libo-libong itlog sa konstruksiyon ng unang mga moog at simbahang bato.
Ang dinurog na balát at putî ng itlog ay inihahalò sa mortar o pandikit sa mga bato. Ano ngayon ang gagawin sa napakaraming pulá ng itlog araw-araw? Nagsawa kahit ang mga trabahador sa pritong binatíng itlog sa umaga’t hápon. Noon daw itinuro ng mga fraile ang panghimagas na létse plan.
Espesyal ang letse plan ngayon na may pampalasang dayap. Sa mga restoran may isinisilbing létse plan na inihulma sa mumunting lyanerang bilog. Mainam para sa natatakot madiyabetes.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang letse plan "