Ang Ati-Atihan
Ito ay karaniwang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebrasyon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Hesus sa sabsaban.
Gamit ang makukulay na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na kasuotan, ang mga taong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”
Ang salitâng “Ati-Atihan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.”
Noong ika-13 siglo, pinaniniwalaang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Borneo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati.
Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas.
Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababa sila kapag humihingi ng tulong sa mga datu.
Ang mga Ati ay sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat. Itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pistang Santo Niño.
Kaya bahagi ng sanlinggo’t masayang parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng batang Hesus, gaya ng ginagawa ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskarahan” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Ati-Atihan "