Unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Mindanao
On Pamahalaan
Unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Mindanao
Noong Ika-23 ng Disyembre 1898, lumikas ang mga Espanyol patungong Surigao dahil sa matagumpay na paghihimagsik ng mga Katipunerong Pilipino mula Luzon hanggang Visayas. Tatlong araw matapos nito, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Casa Real ng Surigao, ang nagsilbing tahanan ng pamahalaan doon. Tinuring ito bilang unang pagkakataon ng pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa rehiyon ng Mindanao.
Pinagmulan: @nhcpofficial
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Mindanao "