Ninuno ng tatlong kagawaran ng kasalukuyang pamahalaan

Ninuno ng tatlong kagawaran ng kasalukuyang pamahalaan


Alam niyo ba na maari nating makita ang ninuno ng tatlong kagawaran ng kasalukuyang pamahalaan sa iisang gauaran noong 1898. Ang Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (Department of Public Works and Highways), Kagawaran ng Transportasyon (Department of Transportation - Philippines), at ang Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon (Department of Information and Communications Technology-DICT) ay nagmula sa Gauaran ng Digma at Gauang Bayan (Department of War and Public Works). Nabuo ang naturang ahensya noong ika-23 ng Hunyo 1898 kasabay ng Philippine Revolutionary Government.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: