ang kalayaan ramdam sa buong bansa

 

Ang Kalayaan, Ramdam sa Buong Bansa


Matapos makamit ng Kawit ang Kalayaan, itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo, sa tulong ni Apolinario Mabini, ang rebolusiyonaryong pamahalaan. Nagkaroon ng botohan sa iba’t ibang lalawigan para bumuo ng kongresong naatasang sumulat ng konstitusyon. Isangdaan at tatlumpu't anim na kinatawan ang hinirang para sa apatnapu't tatlong probinsya ng bansa. Nagtipun-tipon sila noong ika-29 ng Setyembre 1898 upang pagtibayin ang proklamasiyon ng Kalayaan noong ika-12 ng Hunyo.


Pinagmulan: @nccaofficial


Mungkahing Basahin: