Nangungunang 4 na dahilan kung bakit nagkakabato sa apdo
Nangungunang 4 na dahilan kung bakit nagkakabato sa apdo
1. Masyado kang mabilis pumayat - pag higit sa 1.5 kilo kada linggo ang ang nababawas sa timbang mo, mahinang diskarte ng pagpapababa ng timbang ito. Kapag mabilis ka pumayat, maaari o pwede kang mag weight cycling. Weight cycling ay pag hindi mo na mapanatili ang iyong malusog na timbang. Sa isang buwan 65 kilos ka tapos sa sunod na buwan 70 kilos ka, tapos 75 kilos ulit sa sunod na buwan, taps nag crash diet ka at naging 70 kilos tapos 75 uli sa sumunod na buwan. Ang parehong mabilis na pagbaba ng timbang at weight cycling ay magpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng gallstones or bato sa apdo.
Ano ang ligtas na pagbaba ng timbang? 0.45 kilo hanggang 0.9 kilo kada linggo.
2. Ang pagbubuntis ay nagpapataas din ng panganib na magkaroon ng gallstones - ito ay dahil habang buntis ka tumataas ang antas ng progesterone at ang progesterone ay binabawasan ang pag-ikli o pag-urong (contractions) ng gallbladder (apdo) kaya naiipon ang bile sa loob ng gallbladder. Upang mapababa ang panganib ng gallstones sa panahon ng pagbubuntis, kumain ng high fiber diet, pag-iwas sa saturated fat at pagbawas ng konsumo sa sugar at refined carbohydrates.
3. Genetics - pag may family history ka ng gallstone, maaaring may namana kang genetic abnornmality na nagpapataas ng panganib na magkaroon ka ng gallstones.
4. May ilang mga gamot na pwedeng magpataas ng panganib na magkaroon ka ng gallstones katulad ng mga gamot na may estrogen, fibrates, at somatostatin analogs.
Pinagmulan: @kilimanguru
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Nangungunang 4 na dahilan kung bakit nagkakabato sa apdo "