unang halalan sa pilipinas


Unang Halalan sa Pilipinas


Ngayong araw, Mayo 6, 2024, ay ginugunita natin ang ika-125 taong anibersaryo ng Unang Halalan sa Pilipinas na ginanap sa Baliwag, Bulacan. Ito ay noong Mayo 6, 1899. Ang halalan ay inuutos at pinangasiwaan ni Heneral Henry Ware Lawton. Nagtipon-tipon ang mga taga-Baliwag sa lugar sa harap ng simbahan na nagsisilbing plaza at sila ay bumoto sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang mga kamay. Si Francisco Guerrero ang nagwagi at naging unang Capital Municipal (katumbas ng Mayor) noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Sa sumunod na araw, Mayo 7, 1899, ang iba pang lokal na halalan para sa mga probinsiya at munisipalidad sa Pilipinas ay ginanap pagkatapos.


Pinagmulan: @museongbaliwag


Mungkahing Basahin: