jonathan balsamo


Si Jonathan Balsamo ay ang punong tagapangasiwa ng Valenzuela City Cultural Affairs and Tourism Development Office. Nagtapos siya ng ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nagtuturo ng Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas pati na rin sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. 


Nagsisilbi siyang kalihim ng Philippine Historical Association at siya rin ang founding chapter commander ng Sucesos Chapter ng Order of the Knights of Rizal. Si Ginoong Balsamo ang nanguna sa pagsulong ng Valenzuela City Museum at Museo ni Dr. Pio Valenzuela, ng pagpapanumbalik ng Castrillo monument, at ng pangangalaga ng Egbert Memorial Cannon, at Arkong Bato sa Lungsod ng Valenzuela.


Pinagmulan: @atingnayon


Mungkahing Basahin: