pagtanaw

Pagtanaw


Pagtanaw Tungo sa Centenario: 100 Taon ng Kasaysayan, Pamana, at Pagsabay sa Hamon ng Pagbabago.


Ang tema para sa ika-90 anibersaryo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ay nabuo bilang paghahanda sa sentenaryo ng institusyon sa darating na 2033.


Ang tema ay umiinog sa “pagtanaw”—isang pandiwa na maaaring ipang-angkop kapwa sa nakaraan at hinaharap. Sa susunod na dekada, magbabalik-tanaw tayo sa naging makulay na kasaysayan, mga mahahalaga at natatanging ambag sa pagpapanatili ng pamana, at ang naging transpormasyon ng Komisyon sa paglipas ng panahon. Kasabay nito ang pagtanaw tungo sa hinaharap, kung saan isasapananaw natin ang mga mithiin at pangarap para sa Komisyon para sa susunod na dantaon.


Sentro rin sa tema ang “pagsabay sa hamon ng pagbabago”—isang patunay sa katatagan ng ating Komisyon. Magbago man ang anyong pisikal at institusyonal nito: mula sa Philippine Historical Research and Markers Committee, Philippine Historical Committee, National Historical Commission, National Historical Institute, hanggang sa kasalukuyang National Historical Commission of the Philippines, hindi nagbabago ang diwang pagkakakilanlan nito—ang pag-aalaala, pagpapahalaga, at pangangalaga sa kasaysayan ng Pilipino.


Logo design by:

Paul Dexter Tan

Creative Arts Specialist II

NHCP


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: