Ang Kadaugan sa Mactan
Ang Kadaugan sa Mactan
Mula sa Cebu, nagpunta sa isla ng Mactan ang plota ni Ferdinand Magellan, para kumprontahin ang isa sa dalawang katutubong pinuno ng isla na si Lapulapu. Ito ay sa pakiusap ni Raha Humabon at isa pang pinuno ng Mactan na si Zula, na pasukuin si Lapulapu, na tumangging magpasakop sa bandila ng Espanya at sumunod sa mga gusto nina Raha Humabon, Zula at Magellan na magbayad ng tributo para sa kanila.
Dala na rin ng impluwensya ni Magellan kay Raha Humabon, ang Raha mismo ang nag-utos sa lahat ng mga pinunong nasa Cebu na magbayad ng tributo sa ngalan ng Hari ng Espanya, at magpasailalim sa relihiyong Kristyanismo, na agad sinang-ayunan nina Zula maliban lang kay Lapulapu.
Kaya madaling-araw sa araw na ito noong 1521, sakay ng mga bangka, sumugod ang pinagsamang kawal na Espanyol sa pamumuno mismo ni Magellan, na armado ng mga baril, espada, palakol, at mga bakal na baluti at kalasag, at ilang mga katutubong kawal na nagpakonberta sa relihiyong Kristyanismo, para pwersahin si Lapulapu na sumuko sa gusto ni Magellan.
Nais ni Raha Humabon na tulungan sina Magellan, pero sinabi ng huli na hayaan na lang nilang lumaban ang mga mandirigma ng Espanya. Pero pagbaba pa lang nila sa ga-baywang na tubig dagat ay sinalubong na sila ng mga umuulan na pana, sibat at mga bato, kung saan tinamaan ang ilan sa mga armadong Espanyol. Nang napalibutan na sina Magellan ng aabot sa 1,500 mandirigma ni Lapulapu at inatake na sila sa magkabilaang panig.
Hindi gaano makalaban sina Magellan sa ga-baywang na tubig at mabatong pampang ng isla, at di rin nila mailapit nang husto ang mga kanyon nila para suportahan ang mga Espanyol kontra kay Lapulapu. Wala ring naging epekto sa mga kawal ni Lapulapu ang mga baril at crossbow ng mga Espanyol dahil nasa malayo sila mula sa kanilang mga bangka.
Habang naglalabanan ang mga Espanyol at sina Lapulapu, natamaan ng panang may lason si Magellan sa kanyang hita, dahilan para maparalisa siya at sinundan ito ng hataw ng espada ng isa sa mga mandirigma ni Lapulapu. Nang hindi na makalaban si Magellan, dinumog siya ng mga sibat ng mga kawal ni Lapulapu.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Kadaugan sa Mactan "