Ang S’laong Naf ang pamandong sa ulo o sombrero ng mga lalaking T’boli sa Lake Sebu, South Cotabato. Likha ito sa kawayan at may anyong hugis apa at kinuluyan ng pulang resin o dagta. Bahagi din ng disenyo ng kasuotan ang hinabing yantok na heksagonal ang pagkakasalansan, na kulay puti at luntian, at nakahugpong sa kulay bughaw na lambat. Makikita rin sa tuktok ng Binalono ang bilog na hugis kalabasa na gawa sa kristal.


Mungkahing Basahin: