Barangay Pinamalatican Footbridge
Paano ba naipatayo ng Barangay Pinamalatican sa Mobo, Masbate ang cable footbridge sub-project na nagkakahalaga ng PHP 3,320,571.90 sa pamamagitan ng pagbabayanihan?
Basahin ang ilan sa mga pahayag ng mga taong naging parte ng Sama Samang Pagkilos.
Bilang ama ng barangay, responsibilidad ni Adam Sampaga, punong barangay ng Barangay Pinamalatican, Mobo, Masbate na mapakinggan ang lahat na indibidwal sa kanilang komunidad para mai-sama ang lahat ng kanilang perspektibo sa lahat ng klaseng pagpaplano sa barangay.
“Nagpapasalamat ako sa DSWD KALAHI-CIDSS NCDDP na naipakilala ang proseso ng CDD [Community-Driven Development], dahil diyan naging malinaw sa amin kung paano ia-angat at mapagtibay ang samahan ng Barangay Council at mga volunteer maging lahat ng indibidwal sa komunidad,” paliwanag ng punong barangay.
Isa sa mga community volunteer na nanguna sa implementasyon ng cable footbridge sub-project ay si Armie Esquillo.
Ayon sa kanya, naniniwala siya na ang bolunterismo ay kailangan para maging ma-unlad ang isang komunidad.
“Dahil sa pagpapakilala ng Community-Driven Development na proseso, nabigyan kami ng pagkakataon na mapakinggan ang aming suhestyon at rekomendasyon,” sabi ni Armie.
Idinagdag pa ng volunteer na isa sa nagpapatunay ng kontribusyon ng epektibong bolunterismo ay ang matagumpay at sustenableng proyekto na hanggang ngayon ay epektibo at nagpapagaan ng kanilang pangaraw-araw na galaw sa komunidad.
Ang DSWD KALAHI-CIDSS ay gumagamit ng estratehiyang Community-Driven Development kung saan mismo ang mga komunidad ang nagpapasya at nagpapatupad kung anong klaseng pagbabago o kaunlaran ang gagawin sa kanilang lugar.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Barangay Pinamalatican Footbridge "