zamboanga festival
Zamboanga Festival | Imahe: Baybayin Ateneo (@baybayinateneo)

Zamboanga Festival

Zamboanga Hermosa Festival

Kilala rin bilang “Fiesta Pilar” at ginugunita tuwing buong buwan ng Oktubre. Pinagdiriwang ang piyesta para sa patron saint na si Nuestra Senora del Pilar or Our Lady of the Pillar.

Gaya ng ilang pista sa Pilipinas, may roon ring mga palaro, concert, sayawan at marami pang iba. Ngunit ang pinaka-inaabangan ay ang Wow Zamboanga, isang variety talent show.

Regatta de Zamboanga

Parte ng Zamboanga Hermosa Festival, ito ay isang water-racing sports event na pinapakita ang iba’t ibang makukulay na “vintas” at “bancas.”

Ang mga gumagawa ng bangka at vintas ay ginagawang makukulay ang kanilang disenyo upang ipakita ang tatak “Hermosa.”

Mungkahing Basahin: