Ano and Dia De Zamboanga?


Dia De Zamboanga. Ang Día de la Ciudad de Zamboanga (Araw ng Zamboanga) ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Lungsod ng Zamboanga. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 26, ang araw kung kailan idineklara ang Zamboanga bilang isang “chartered city” sa ilalim ng Gobyernong Komonwelt noong 1937. Ito ay isang espesyal na “non-working holiday” na ipinagdiriwang na may maraming aktibidad tulad ng food and film festivals, photo exhibits, cheerdance competitions, at ang taunang grand civic military parade.


Ang Zamboanga City ay itinatag noong 1635 ng isang misyong espanyol na tumulak sa katimugang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas. Dumaong ang grupo sa Caldera Bay (ngayon ay kilala bilang Varadero de Cawit, Recodo road), isang nayon na pangingisda ang ikinabubuhay sa kanlurang baybayin ng Zamboanga.


Ang pamayanan ng mga Espanyol sa La Caldera sa kalaunan ay lumipat sa dulo ng peninsula na nakita nilang estratehikong kinalalagyan. Ang Fort Pilar, ang dambana ng Our Lady of the Pilar, ay isang kuta ng depensang militar noong ika-17 siglo na itinayo ng pamahalaang kolonyal ng Espanya para sa proteksyon ng mga Kristiyanong naninirahan laban sa mga pirata ng Moro; at ngayon ay matatagpuan ang Western-Southern Mindanao Regional Museum.


Ang La Caldera ay bahagi ng unang paglalayag sa paligid ng mundo (Circumnavigation) ng mundo na magdiriwang ng Quincentennial Commemoration nito sa ika-27 ng Abril 2021.


Mungkahing Basahin: