Kailan itinatag ang PLDT?
Itinatag ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) noong Nobyembre 28, 1928.
Isa sa mga pinakamalaki at itinuturing na pinakamatandang telecommunications provider sa Pilipinas ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), na ngayong araw, Nobyembre 28, ay ang kanyang ika-93 taong kaarawan.
Sa bisa ng Act no. 3436 na inaprubahan ng Philippine Legislature at ni Gobernador-Heneral Henry L. Stimson, itinatag ang Philippine Long Distance Telephone Company bilang isang pribadong kompanya. Sa ilalim ng nasabing batas, pinagsasama nito ang apat na iba pang mga telephone companies para maging isang malaking firm sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang Amerikano.
Minamandato rin ng nasabing batas na magtayo ng mga linya ng telepono sa iba’t ibang mga lugar sa bansa sa loob ng apat na dekada. Taong 1930, nagkaroon na rin ito ng international line sa Estados Unidos at sa iba pang panig ng mundo. Pero nang sinalakay ang Pilipinas ng mga Hapones at mapinsala ng apat na taong digmaan ang ating bansa, kasama sa mga nawasak na mga ari-arian ang mga linya ng telepono ng PLDT, pero nakarekober rin ang kompanya pagdating ng dekada 50.
Ika-20 ng Disyembre, 1967 nang napasakamay ng Pilipinong negosyanteng si Ramon Cojuangco ang PLDT matapos bilhin niya ang shares ng nasabing kompanya mula sa Amerikanong telecommunications company na GTE. Naging prayority ng bagong pamunuan ng PLDT ang modernisasyon at pagpapalawak ng telecommunication lines sa mga liblib at rural na bahagi ng bansa, at naging katuwang rin ng lokal at pambansang pamahalaan sa pagpaplanong maabot hanggang sa mga liblib na lugar sa bansa ang telephone system.
Pero pagdating sa rehimeng Marcos, napasailalim sa pangangasiwa ng pambansang pamahalaan ang PLDT, at binili nito ang lahat ng assets at liabilities ng Republic Telephone Company, kaya ilang taon ring minopolyo ng pamahalaang Marcos ang PLDT. Pero bumalik sa pribadong pagmamay-ari ang PLDT sa sumunod na rehimeng Aquino, at sa bisa ng Telecommunications Act of 1995, tuluyang pinawalang-bisa ang pagmomonopolyo ng telekomunikasyon sa PLDT.
Pinagmulan: @socsciclopedia
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kailan itinatag ang PLDT? "