On
Kailan Itinatag ang Insular Life Insurance Company?


Itinatag ang Insular Life Insurance Company noong Nobyembre 25, 1910.


Ang Insular Life Assurance Company, Ltd., o simpleng Insular Life, ang kauna-unahang insurance company sa Pilipinas, at ngayong araw, Nobyembre 25, ang ika-111 taong kaarawan ng Insular Life. Itinatag ito bilang isang insurance firm noong 1910 nina Leon Mooser at Antonio Maria Barreto, at binuksan ang kanilang unang tanggapan sa Kalye Echague, Sta. Cruz, Maynila.


Si Ma. Barreto ang naging unang Pangulo ng Insular Life, at nagkaroon rin sila ng sariling opisina sa Plaza Moraga, Binondo, Maynila noong 1931. Taong 1934 nang binuksan naman ang unang sangay ng Insular Life sa labas ng Pilipinas, sa Honolulu, Hawaii. Nagpatuloy ang operasyon ng Insular Life at sa pagbibigay ng serbisyo nito sa mga kliyente kahit pa sa panahon ng mga Hapones. Taong 1943 nang pinangalanan itong Filipinas Life Assurance Company.


Taong 1946 nang nakabangon ang Filipinas Life Assurance, salamat sa inisyatibo ng pamahalaan, na sa pamamagitan ng Rehabilitation Finance Corporation ay nagbigay ito ng 11.7 milyong pisong halaga ng stocks sa nasabing insurance firm. Bumalik rin ang orihinal na pangalan ng kumpanya, at ito rin ang kauna-unahang insurance firm sa Pilipinas na nagbaba ng premiums nito, at ang unang insurance firm na nagpakilala ng industrial insurance, ang unang insurance firm na nagtayo ng insurances school at ang unang insurance firm na nagpasa ng ownership ng kompanya sa policyholders nito mula sa mga stockholders sa pamamagitan ng mutualization, at kalauna’y naging isang fully-mutualized company.


Mula sa Plaza Moraga, lumipat ang pangunahing tanggapan ng Insular Life sa Ayala Avenue sa Paseo de Roxas, lungsod ng Makati, at saka muling naglipat sa Alabang, Muntinlupa, ang kasalukuyan nilang main headquarters. Sa loob ng maraming taon, napalawak ng Insular Life Company ang kanilang serbisyo sa kanilang mga kliyente, maging ang mga kapos sa buhay at mabababa lang ang kinikita sa trabaho. Sa sentenaryong kaarawan ng Insular Life noong 2010, ginamit nila ang imahe ng agila bilang ang kanilang bagong company logo, at gaya ng imahe ng agila, sinisiguro ng Insular Life na mas tatayog pa amg kompanya para bigyan ng magandang serbisyong pang-insurance ang kanilang mga kliyente.


Mungkahing Basahin: