Ang konstruksyon ng Panguil Bay Bridge
BASAHIN: Ipinagmalaki ng Misamis Occidental ang isa sa malaking pamana ng administrasyong Duterte, ang konstruksyon ng bagong Panguil Bay bridge.
Panguil Bay bridge na itinayo sa ilalim ng administrasyong Duterte, malaking tulong sa mga taga-Misamis Occidental.
Ayon kay Gov. Philip Tan, noon ay pangarap lamang nila ito. Ngunit sa ilalim aniya ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay napondohan ang proyekto.
Ang tulay na ito aniya ang magdudugtong mula Tangub City at Tubod, Lanao del Norte. May haba itong 3.77 kilometro na mas mahaba pa sa San Juanico bridge.
Bukod sa mapapabilis nito ang byahe mula Tangub City hanggang Tubod, Lanao del Norte, makakatulong din aniya ito upang mas mapalago pa ang kanilang ekonomiya, lalo na’t ang Region 10 ang itinuturing na ‘fastest growing economy’ sa bansa.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang konstruksyon ng Panguil Bay Bridge "