Benepisyo para sa pumanaw na retired members ng prosecution


Tuloy na benepisyo para sa pumanaw na retired members ng prosecution (Senate Bill 2373) ay pasado na sa Senado.


MAGANDANG BALITA. Pasado na sa Senado ang panukalang-batas ni Senador Richard Gordon na tuloy-tuloy na retirement benefits para sa mga pumanaw na retired members ng National Prosecution Service.


Sa kasalukuyang batas, natatanggap lamang ang benepisyo habang nabubuhay ang prosecutor. Pero sa SB 2373, matatanggap na ng lehitimong asawa at dependent na anak ang retirement benefits kahit na pumanaw na ang retired prosecutor.


Sa insidente na pumanaw ang retired member ng prosecution, matatanggap ng lehitimong asawa at dependent na anak ang retirement benefits na dapat ay matatanggap niya nang nabubuhay pa siya.

Highest monthly salary
Monthly aggregate of transportation
Living and representation allowances


Ito ay retroactive para sa mga pumanaw isang taon bago maging epektibo ang batas.


Mungkahing Basahin: