Ang Gross International Reserves (GIR) ay mga external assets na pwedeng ipambayad sa mga external obligations ng bansa (imports, foreign loans, atbp.) at nasa pamamahala o kontrol ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Maaaring external assets

  • US, German, at Japanese government bonds
  • Ginto na proteksiyon laban sa panganib ng exchange.


Hindi kasama sa external assets

  • Lokal na T-bills o Philippine government bonds
  • Stocks ng mga lokal na kumpanya
  • Peso savings account


Ang GIR ay dapat “readily available” at maaaring gamitin ayon sa pangangailangan.


Hindi dapat kasama sa GIR ang mga assets o ari-ariang hindi likido o mahirap i-convert sa cash tulad ng:

  • Lupa
  • Pamumuhunan sa kumpanya
  • Assets na pag-aari ng national government


Karaniwang pagsukat sa Gross International Reserves (GIR)

  1. Bilang import cover o external liquidity buffer – Kung kaya nitong bayaran ang hindi kukulangin sa 3 buwang halaga ng “imports ng goods” at “bayad ng services”, at primary income ng bansa. Ang GIR ay sinasabing sapat.
  2. Bilang cover sa foreign liabilities ng bansa – Kung nasasaklawan nito nang hindi kukulangin sa 100% ang mga utang ng bansa na nakatakdang bayaran sa susunod na 12 buwan. Ang GIR ay sinasabing tapat.


Mungkahing Basahin: